
Photo Ctto
Western Visayas- As of September 7, 2023, may kabuuang 13 indibidwal ang nahuli dahil sa paglabag sa Comelec gun ban. Ayon sa mga ulat mula sa Police Regional Office (PRO) – 6, tatlong kaso ang naitala ng Iloilo Police Provincial Office, samantalang tatlo rin ang nai-ulat ng Bacolod City Police Office. Samantala, dalawang kaso bawat isa ang ini-ulat ng Iloilo City Police Office, Negros Occidental Police Provincial Office, at Capiz Police Provincial Office, kasama na rin ang karagdagang insidente na ini-ulat ng Regional Mobile Force Battalion.
Ang Comelec Gun Ban, na nagsimula noong Agosto 28 kaugnay ng pagsisimula ng election period, ay napatunayang epektibo at mananatili itong umiiral hanggang Nobyembre 14, 2023. Ang hakbang na ito ay isang mahalagang bahagi ng paghahanda para sa mapayapang halalan at nagiging proteksyon para sa kaligtasan ng publiko. Mahalaga na ang mahigpit na pagpapatupad ay magpatuloy upang masiguro ang kaayusan at katahimikan sa buong rehiyon.