
https://scontent.fmnl30-1.fna.fbcdn.net/v/t39.30808-6/458382075_496324173177445_7707403174796584867_n.jpg?stp=dst-jpg_s600x600&_nc_cat=107&ccb=1-7&_nc_sid=127cfc&_nc_eui2=AeFBKkpNLN_cUGT7lm3GMZebY3LcX2IbQDpjctxfYhtAOvPWNStCJe0FO1GiYPjaG2YhOnsuYsZ-YmRKo1VsIqu7&_nc_ohc=kMuDjP7ITOIQ7kNvgFfgchH&_nc_ht=scontent.fmnl30-1.fna&oh=00_AYCMYH3s3vEbWqXWMvLAJB1IN0TdACNyqq4fLJ4Xt89Yqw&oe=66DD91FB
Naging matagumpay ang isinagawang dalawang araw na intensive training sa Oral Graphic Symbolic Language (OGSL) program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Iloilo kasama ang Regional Education Council (REC) at Department of Education (DepEd) School Division Office (SDO) Iloilo, para sa daan-daang mga guro sa elementarya noong Agosto 30 hanggang 31.
Layunin ng nasabing training na pahusayin ang instructional techniques ng mga guro na nagtuturo sa kindergarten hanggang grade 3 bilang paghahanda sa pagpapatupad ng OGSL method at magsilbing mga trainers sa inisyatibong Bulig Eskwela (BES) Basa na nakatuon sa pagpapabuti ng literacy na ipapatupad sa mga pilot municipalities sa probinsya kabilang ang bayan ng Janiuay, Lambunao, Carles, Dingle, Oton, at San Miguel.
Ang session ay pinangunahan ng DepEd Public Schools District Supervisors (PSDS) kung saan tinalakay ang mga paksa tulad ng Sound Symbol Overlay, Building Word Power, at Language Incorporation. Kasama rin sa training ang assessment at workshop tungkol sa Work Application Plan (WAP).
Binanggit din ni Dr. Nestor Paul Pingil, DepEd Iloilo Chief Education Supervisor, ang kahalagahan ng papel ng mga guro sa pagpapalakas ng literacy.
Nagsagawa rin ang probinsya ng leveling session kasama ang mga alkalde ng anim na mga apektadong LGUs upang talakayin ang BES Basa Program kung saan pinag-usapan ang mga naitalakay ng grupo sa isinagawang Education Core Group (EDCORE) na bahagi ng kanilang training.
Binigyang-diin naman ni Governor Arthur Defensor Jr. ang kahalagahan ng BES Basa program sa pagpapalawak ng sektor ng edukasyon bilang pangunahing tungkulin ng pamahalaan at pagtulong upang makamit ang layuning 100% literacy.